MANILA, Philippines - Inangkin nina Therese Rae Ramas at Floremel Rodriguez ng Southwestern University ng Cebu ang kanilang ikalawang gintong medalya ngayong taon sa women’s beach volleyball.
Tinalo nina Ramas at Rodriguez sina Cherry Ann Rondina at Rica Jane Rivera ng University of Sto. Tomas, 21-10, 21-12, sa kaÂnilang gold medal match ng women’s beach volleyball tournament ng 2014 PSC National Games kahapon sa Rizal Memorial Sports Complex sa Malate, Manila.
Nauna nang nagreyna sina Ramas at Rodriguez sa 2014 National PRISAA Games sa Tagum City noÂong Pebrero.
Sa men’s division, pinayukod naman nina Kris Ray Guzman at Mark Gil Alfafara ng UST sina Aga Tahiluddin at Halim Khan ng AutoÂnomous Region of Muslim Mindanao (ARMM), 21-23, 26-24, 25-8, para angkinin ang gintong medalya.
Bumangon sina Guzman at Alfafara sa kabiguan sa first set para resbakan sina Tahiluddin at Khan.
Bagamat natalo, kuntento na sina Tahiluddin at Khan sa silver medal sa sport na kanilang pangunahing libangan sa Mindanao.
Sa wushu, inangkin nina national team members Justin Chan (3rd set Changquan), Alieson Ken Omengan (3rd set Nanquan), Kariza Kris Chan (freestyle taijiquan),Thornton Quieney Lou Sayan (freestyle Nangun) ang mga ginto sa taolo events.
Sa Marikina Sports ComÂplex, dinomina naman ng DaÂÂvao ang kanilang mga laro laban sa Calabarzon, ZamÂboanga at National Capital Region para kunin ang gintong medalya sa goal ball event.