Pacquiao-M’weather fight posible pang matuloy sa 2016

MANILA, Philippines - Sa pagpayag ni Manny Pacquiao sa alok na contract extension ng Top Rank Promotions hanggang sa Disyembre ng 2016 ay maaari pang maplantsa ang laban ng Filipino world eight-division champion kay Floyd Mayweather, Jr.

Ngunit kagaya ng dati, hindi ito madaling gawin.

Ang 35-anyos na si Pacquiao ay lumalaban sa pro­mosyon ng HBO, samantalang ang 37-anyos na si Mayweather ay nasa Showtime.

“We want to fight him and we’re willing to discuss it at any point. There are two ways to go here. One is to do a Mayweather fight with both HBO and Showtime involved, as they did with Lewis-Tyson, as I understand Mayweather is under contract to Showtime through 2015,” ani Arum. “The companies could come together and put on the show.” Or, the other alternative is, if Floyd wanted to fight Manny in 2016, he could return to HBO and we could do it there,” dagdag pa ng 82-anyos na promoter.

Si Mayweather ay may tatlong laban pang gagawin sa Showtime mula sa kanyang nilagdaang six-fight deal noong 2013.

Tatlong beses nabulabog ang negosasyon para sa Pacquiao-Mayweather super fight mula sa isyu sa hatian sa prize money hanggang sa pagsailalim sa Olympic-style drug at blood testing.

Samantala, itinakda ni Arum sa Nobyembre sa Macau, China ang susunod na laban ni Pacquiao, binawi ang kanyang World Boxing Organization (WBO) welterweight crown kay Timothy Bradley, Jr. noong Abril.

Sina Mexican Juan Manuel Marquez at Russian Ruslan Provodnikov ang mga prayoridad ni Arum. (RC)

Show comments