Bakbakan ng Heat, Pacers simula na

INDIANAPOLIS--Ang pinakaaabangang rematch ng Indiana Pacers at Mia­mi Heat ay muling mangyayari sa ikatlong sunod na pagka­kataon.

Muling maghaharap ang dalawang bigating ko­ponan para sa korona ng Eastern Conference.

Inaasahang magbabantayan sina LeBron James ng Heat at Paul George ng Pacers sa kabuuan ng kanilang best-of-seven series.

Sa kasaysayan ng da­la­wang koponan ay sinibak ng Miami ang Indiana sa nakaraang dalawang seasons sa kabila ng pagpu­wersa ng Pacers sa Heat sa Game 7.

“Two best teams in the Eastern Conference. It’s that simple,” sabi ni James. “I mean both teams defend at a high level, both teams share the ball, both teams get into the paint, both teams have a desire to win, so that’s why it’s been equal.”

Sa second round no­ong 2012 ay itinala ng Pacers ang 2-1 lead bago naipanalo ng Heat ang tatlong sumunod na laro para sa kanilang unang titulo sa pagtutuwang nina James, Dwyane Wade at Chris Bosh.

Noong nakaraang taon ay natalo naman ang India­           na sa Miami sa Game 7.

Ngayong season ay kinuha ng Pacers ang No. 1 seed para tiyakin na ang Game 7 nila ng Heat ay lalaruin sa Indianapolis.

Ang Game 1 ng k­a­nilang serye ay gagawin sa Indianapolis.

Ikinukunsidera ng naka­raraming paboritong manalo ang Miami sa Indiana sa kanilang serye.

Winalis ng Heat ang Charlotte Bobcats, 4-0, sa first round at giniba ang Brooklyn Nets, 4-1, sa se­cond round.

 

Show comments