Laro sa Miyerkules
(Cuneta Astrodome,
Pasay City)
2 p.m. PLDT
vs Petron (W)
4 p.m. Air Asia
vs Cignal (W)
6 p.m. Instituto Estatico Manila vs Via Mare (M)
MANILA, Philippines - Naghatid si Gilbert Ablan ng 28 puntos para pamunuan ang Cignal HD Spikers sa 25-14, 25-17, 17-25, 23-25, 15-13, panalo sa Systema Active Smashers sa pagsisimula ng 2014 PLDT Home DSL-Philippine Super Liga (PSL) All-Filipino Conference volleyball kahapon sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.
Umabot sa 25 kills ang pinakawalan ni Ablan habang sina Howard Mojica at Jay Dela Cruz ay may 16 at 13 puntos para umuna ang Cignal sa limang koponang kasali sa men’s division sa ligang inorganisa ng Score at suportado ng PLDT Home DSL at may tulong pa mula sa Mikasa, Asics, Mueller Tapes, Jinling Sports Equipment, LGR, Bench at Healthway Medical.
“Very competitive ang PSL kaya hindi mo masasabing kuha mo na ang laro kung nanalo ka sa first two sets,†wika ni Cignal coach Michael Carino.
Ang 21-anyos na si Ablan ang siyang sinandalan ng Cignal sa fifth set at ang kanyang magkasunod na malalakas na pag-atake ang tumapos sa laban.
“Medyo bumigay kami sa third at fourth set pero mabuti na lang at naroroon si Ablan. He carried us in the fifth set,†dagdag ni Carino.
May 18 puntos si John Depante habang si AJ Pareja ay may 13 pa para sa Systema na nabigong bigyan ng magandang panimula ang kampanya ng koponang tumapos sa pangalawang puwesto sa Grand Prix.
Nakasama ngayon sa Systema ang movie actor/sportsman na si Richard Gomez pero sa first set lamang siya ginamit upang hindi makatulong sa kampanya ng koponan. (ATan)