MANILA, Philippines -
Ibinigay ni Pichay ang suporta ng NCFP kay Ignatius Leong, ang FIDE general secretary na kumakandidato sa tiket ni dating world champion Garry Kasparov.
Tumatakbo naman si Tolentino para sa puwesto ng secÂretary general sa grupo ni FIDE president Kirshan Illyumzhinov.
Sinabi ni Tolentino na nagdesisyon siyang kumandidato matapos sabihin ni Illyumzhinov na ang posisyon ay naunang inialok sa pumanaw na si Florencio Campomanes na nag-endorso kay Illyumzhinov bilang presidente ng FIDE noong 1995.
Ngunit sa May 5 NCFP board resolution ay iniluklok si Pichay bilang official delegate ng bansa sa FIDE.
Kabuuang 56 national federations – ang 22 ay mula sa Africa, 18 buhat sa Americas, siyam sa Asya at pito sa Europe – ang kumampi kay Illyumzhinov, habang ang 20 ay pumanig kay Kasparov.