MANILA, Philippines - Nagising ang Jumbo PlasÂtic Giants sa ikatlong yugÂto para kunin ang ikalaÂwang upuan sa seÂmifinal round sa pamamagitan ng 67-57 panalo sa Café France Bakers sa pagtaÂtapos ng elimination round ng PBA D-League Foundation Cup kahapon sa MeÂralco Gym sa Ortigas Ave., Pasig City.
Si Jan Colina ang buÂmuÂhay sa naunang maÂlamÂyang opensa ng Giants nang ibagsak ang anim sa kabuuang 8 points sa yugto para igiya ang koponan sa 23-9 palitan.
May isang tres si ColiÂna, habang si Elliot Tan ay tumipa ng basket para sa 13-0 panimula sa yugto at hawakan ang 41-33 kaÂlamangan mula sa 28-33 iskor sa halftime.
Ang mga reserves na siÂna Jerick Canada at Jopher Custodio ang nanguÂna sa pag-atake para sa Jumbo Plastic sa kanilang 14 at 11 puntos, habang ang 6-foot-7 center na si JaÂson Ballesteros ay may 14 rebounds.
Tinapos ng Giants ang yugto tangan ang 6-3 baÂraha at kahit nakasalo nila sa ikalawang puwesto ang nagdedepensang Blackwater Sports ay umabante pa rin sila at sinamahan ang walang talong NLEX Road Warriors sa Final Four dahil sa 76-68 panalo sa Elite.
Kumapit pa rin ang suÂwerte sa Bakers dahil nakapasok sila sa quarterfinals nang gulatin ng Derulo Accelero Oilers ang Boracay Rum Waves, 86-83, sa ikalawang laro.
Bumangon ang Oilers muÂla sa 37-52 agwat sa ikatÂlong yugto nang nagpaÂsabog ng 35 puntos sa huling 10 minuto ng laro.
Si Michael Juico ay gumawa ng 21 puntos sa 8-of-16 shooting sa two-point line, kasama ang krusyal na buslo sa huling tatlong seÂgundo na bumasag sa 83-83 pagkakatabla. (AT)