Hot na hot na mapunta si Manny Pacquiao sa PBA.
Oo, gustong maglaro ng pamosong boksingero sa PBA. May team na gustong kumuha sa kanya at ito ang Kia Pride.
Ang Kia ay isa sa tatlong bagong teams ang sasabak sa PBA sa susunod na season sa Oktubre, kasama ang Blackwater Sports at NLEX.
Natural, kailangan nila ng mga players at mga coaÂches. Para sa mga players, kailangan nilang dumaan sa draft.
Dito eeksena si Pacquiao dahil ang sabi niya, gusto n’ya maging playing coach ng Kia.
May kasunduan na raw siya at ang Kia pero wala pang nagiging pirmahan ng kontrata. Binigyan daw niya ang Kia ng powers na itayo ang team nito.
Hindi biro ang maging player o maging coach sa PBA.
Kaya di hamak na mas mahirap na trabaho ang pagiging playing coach.
Wala akong tutol dito dahil kayang gawin ng Kia kung anuman ang gusto nilang gawin sa team nila. Kung sino ang gusto nilang players at kung sino ang gusto nilang coach.
Maraming fans si Pacquiao. Mas marami sa kung sino mang PBA player. KaÂya kung magiging parte nga siya ng Kia ay siguradong dagdag ito sa popularidad ng liga.
Ang tanong ko lang ay kung may sapat na panahon si Pacquiao para rito.
Araw-araw ang ensaÂyo ng PBA teams. Kahit na walang laro, maikli lang ang bakasyon sa off-season.
At sa pagiging coach, hindi natatapos ang trabaÂho sa loob ng court dahil hanggang sa bahay ay iniuuwi nito ang trabaho. Minsan ay walang tulugan.
Paano kung may laban si Pacquiao sa kalagitÂnaan ng conference?
Ibig sabihin ay mawaÂwala siya ng dalawang buÂwan habang may ensaÂyo siya.
Baka pagbalik niya ay out na ang team niya.
Pero desidido si Pacquiao. At mukhang walang makakapigil sa kanya.
Pagbigyan natin. Ibigay ang hilig.