MANILA, Philippines - Tinalo ni Filipino chess Grandmaster Wesley So si Spanish GM Francisco Vallejo-Pons gamit ang 42-moves Ruy Lopez-Berlin para kunin ang unang puwesto sa Capablanca Memorial 2014 sa Habana Riviera Hotel sa La Havana, Cuba.
Si So ay third seed sa anim na manlalaro na sasaÂilalim sa double-round elimination para madeterÂmina ang tatanghaling kamÂpeon sa kompetisyong iniaalay kay dating Cuban champion Jose Raoul Capablanca.
Naipanalo ni So ang tila tablang laro nang sumuko si Vallejo-Pons dahil naÂkaamba na ang mga piyesa ng Filipino GM na kunin ang dalawang magkahiwalay na pawns ng katunggali.
Ang panalo ay nagbigay kay So ng 1.5 puntos matapos ang dalawang rounds at angat siya ng kalaÂhating puntos kay Cuban GM Lazaro Batista Bruzon, top seed Leinier Domiguez Perez ng Cuba, second seed Vassily Ivanchuk ng Ukraine at Zoltan Almasi ng Hungary.
Naghati ng puntos sina Bruzon at Ivanchuk bukod kina Almasi at Dominguez-Perez para magsalo sa tig-isang puntos.
Naunang hinarap ni So si Bruzon at nauwi sa tabla ang laban nang napabaÂyaan ng 20-anyos Filipino GM ang bentahe sa pawn upang pumayag sa tabla sa larong umabot sa 64 sulong ng Nimzo-Indian opening.