MANILA, Philippines - Itataya ng Philippine NaÂtional Police (PNP) ResÂÂponders ang kanilang maÂlinis na kartada laban sa AFP CaÂvaliers sa pagpapaÂtuloy ngaÂyon ng UNTV Cup SeaÂson 2 sa Ynares Sports AreÂna sa Pasig City.
Hanap ng PNP ang ika-pitong sunod na panalo kontra sa Cavaliers na siyang huling laro sa nasabing triple-header game.
Tiyak na dadaan ang koponan sa butas ng karaÂyom dahil pursigido ang Cavaliers na putulin ang kanilang arangkada at paÂlakasin naman ang kanilang paghawak sa ikalawang puwesto.
May 4-1 karta ang CaÂvaliers at kasalo ang nagdedepensang kampeong Judiciary Magis.
Nakatakdang harapin ng Judiciary ang Senate DeÂfenders sa ikalawang laÂro.
Ang unang laro ay sa haÂnay ng mga nanguÂnguÂlelat na koponan na Local GoÂvernment Units (LGU) Vanguards at House of Representatives sa ganap na alas-2:30 ng hapon.
May 2-4 record ang LGU kumpara sa 1-3 ng HoR.
Ang ligang ito ay inorÂgaÂnisa ni Kuya Daniel Razon.
Ang magkakampeon sa nasabing torneo ay maÂbibigyan ng pagkakataon na magbigay ng P1 milyon sa paboritong charitable institution nito.