Pinasuko ang nakaharap na Egyptian Fighter sa third round Julaton wagi sa kanyang MMA debut

Itinaas ng referee ang kamay ni Fil-Am Ana Julaton. (ONE FC)

MANILA, Philippines - Mula sa boxing ay sa Mixed Martial Arts (MMA) naman nagposte ng panalo si Filipino-American Ana ‘The Hurricane’ Julaton.

Umiskor ang two-time world boxing champion na si Julaton ng isang third-round technical knockout laban kay Egyptian kickbo­xing expert Aya Saber sa ka­nilang non-title, flyweight bout noong Biyernes ng ga­bi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Nalagay sa panganib si Julaton nang mahablot si­ya ni Saber, sumabak sa li­mang MMA fights, para sa isang guillotine choke sa second round.

Ngunit lumaban si Julaton at nakawala sa pagkakasakal sa kanya ni Saber.

Sa kalagitnaan ng third round na napatumba ni Sa­ber si Julaton.

Subalit muling nakaba­ngon ang Fil-American figh­ter para sa isang full mount sa Egyptian.

At sa naturang posis­yon ay pinaulanan ni Julaton si Saber ng mga suntok at siko sa mukha at ulo na nagtulak sa referee para itigil ang laban sa huling 59 segundo.

“Winning in Manila is an amazing thing,” wika ni Julaton, unang pagkakataon na lumaban sa harap ng kan­yang mga Filipino fans.

Samantala, umiskor din ng panalo si Jujeath Naga­owa sa kanyang MMA de­but.

Tinalo ng tubong Benguet si Jeet Toshi ng India via second-round stoppage.

Ginamit ni Nagaowa, lumaban bilang boksingero sa Japan, South Korea at Thailand, ang kanyang bilis para balewalain ang mahabang galamay ni Toshi.

Nirapido ng Pinay figh­ter ang bodega ng Indian na puwersa sa referee na ihinto ang laban sa second round.

Show comments