COLOMBO, Sri Lanka – Tatlo sa anim na boksingero ng PLDT-ABAP team ang umaÂbante sa gold medal round ng Lion’s Cup.
Tinalo nina flyweight Ian Clark Bautista, bantamweight Mario Fernandez at women’s lightweight Nesthy Petecio ang kani-kanilang mga karibal sa semifinals paÂra makakuha ng championship slots.
Pinayukod ni Bautista si PD Suresh ng Sri Lanka sa semis para makaharap sa gold medal round si Anuruda Rathnayake.
Si Rathnayake, ang head coach ng women’s team ng Sri Lanka na nagÂsaÂnay sa Baguio City, ay umisÂkor ng isang second round KO win sa kanyang Kenyan opponent.
Naglista naman ang Air Force man na si Fernandez ng isang unanimous decision win laban kay Manju WanÂniarchchi ng Sri Lanka.
Makakaagawan ni FerÂnanÂdez para sa gold medal si Yu Che-Li ng Chinese-Taipei.
Niresbakan naman ng 21-anyos na si Petecio si Chia Ling Chen ng Chinese-Taipei sa semis.
Makakaharap ni Petecio sa finals si Tassamalee Thongjan ng Thailand na tinalo niya sa semifinals sa 2013 Southeast Asia Games sa Myanmar noong Disyembre.
Samantala, nakuntento sa bronze medal si Eumir Felix Marcial matapos matalo kay Kenyan Okwin Raytow Nduku via unanimous decision.
Mariing kinondena ng PLDT-ABP ang naturang kaÂbiguan ni Marcial.