MANILA, Philippines - Nagtala ng pitong digs ang nagbabalik na libero na si Jennylyn Reyes, habang si Jaja Santiago ay may 12 puntos sa pagsuot muÂli ng uniporme ng kopoÂnan para tulungan ang nagdedepensang National University Lady Bulldogs sa madaÂling 25-9, 25-14, 25-18 panalo sa Arellano University Lady Chiefs sa pagsisimula kahapon ng Shakey’s V-League Season 11 First ConÂference quarterfinals sa The Arena sa San Juan City.
May anim na excellent reÂceptions pa si Reyes na naÂsalang sa unang laro sa NU, habang ang nakatatandang kapatid ni Jaja na si DinÂdin ay may 12 puntos at ang Lady Bulldogs ay umangat sa 2-0 karta para mamuro sa semifinals seat sa Group I sa ligang inorgaÂnisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s
Ginamit nang husto ng NU ang angking height advantage nang kunin ang 39-19 bentahe sa attacks peÂro nakatulong din ang 12-2 kalamangan sa service aces at sina Dindin at Ruby De Leon ay may tig-3 puntos.
Natabunan ang panalong ito nang panggugulat ng bisitang Davao Lady AgiÂlas sa UAAP champion na Ateneo Lady Eagles, 22-25, 25-18, 25-27, 25-18, 19-17, sa ikalawang laro sa ligang may ayuda ng Mikasa, Accel at Lion Tiger Mosquito Coil.
Bumangon ang Lady AgiÂlas mula sa 8-12 iskor sa deciding set para makatabla ang Lady Eagles sa Group II sa 1-1 karta.
Ang kill ni Alyssa Valdez ang nagbigay ng match-point sa Ateneo,15-14, pero hindi bumigay ang Davao sa pagbibida ni Princess Joy Oliveros.
Ang kanyang atake ang nagbigay sa Lady Agilas ng 18-17 puntos na bentahe.