LOS ANGELES -- NagÂbalik ang Los Angeles Clippers sa kanilang ‘’safe haven’’ at nakalapit sa panaÂlo sa kanilang ikatlong playoff seÂries sapul nang bilhin ni DoÂnald Sterling ang kopoÂnan noong 1981.
Wala sa audience ang 80-anyos na si Sterling paÂra ipagdiwang ang 113-103 tagumpay ng Clippers konÂtra sa Golden State WarÂriors.
At maging sa mga suÂsunod na laro rin ng kopoÂnan.
Humakot si center DeAndre Jordan ng 25 points na isang playoff career-high, at 18 rebounds, habang nagdagdag 20 points si Chris Paul para ibigay sa Clippers ang 3-2 bentahe sa kanilang first-round series ng Warriors.
‘’I think it put a lot of guys’ minds at ease,’’ sabi ni Paul. ‘’It’s been tough the last few days, but we’ve been getting through it.’’
Nakipagpalitan ng high five si Clippers coach Doc RiÂvers sa kanyang mga plaÂyers sa huling mga seÂgunÂdo ng laro, habang niyakap naman ni guard Jamal Crawford ang kanilang mga fans sa courtside paÂpunta sa locker room.
Maaaring tapusin ng ClipÂpers ang kanilang serye ng Wizards sa Game 6 sa Huwebes sa Oakland.
Nauna rito, tumanggap muna ang Clippers ng standing ovation para sa kanilang pregame warmÂups.
Sa Chicago, winakasan ng Washington Wizards ang kanilang serye ng Bulls nang ilista ang 75-69 panalo sa Game 5.
Kumamada si guard John Wall ng 24 points kaÂsunod ang 20 si Nene paÂra sa 3-2 kalamangan ng Wizards sa kanilang serye ng Bulls.
Nag-ambag si Bradley Beal ng 17 points at umaÂbante ang fifth-seeded na Wizards sa second round sa ikatlong pagkakataon maÂtapos noong 1970s.
Makakatapat ng WiÂzards ang alinman sa IndiaÂna o Atlanta para sa EasÂtern Conference semifinals.
Nasa ibabaw ang Hawks 3-2 sa kanilang serye ng Pacers.
Sa Oklahoma City, tiÂnakasan ng Memphis GrizÂzlies ang Thunder sa overtime, 100-99, upang kuÂnin ang 3-2 bentahe sa kanilang serye.
Puwedeng tapusin ng seventh-seeded na Grizzlies ang kanilang serye ng second-seeded na Thunder sa Game 6 sa HuÂwebes sa Memphis.
Tumipa si Mike Miller ng 21 points, samantalang may 20 markers si Zach RanÂdolph at 17 si Mike ConÂley para sa Grizzlies.
Kumayod naman si Russell Westbrook ng triple-double mula sa kanyang 30 points, 13 assists at 10 rebounds sa panig ng Thunder, habang may 26 points si Kevin Durant.