GTK kinikilala pa rin ng IAAF at AAA bilang PATAFA chief

MANILA, Philippines - Hindi inaalis ng international body na IAAF at AAA ang kanilang rekognisyon kay PATAFA president Go Teng Kok.

Ito ang nilalaman ng ko­munikasyon galing kay Maurice Nicholas, ang secreta­ry general ng AAA sa kanyang email sa PATAFA.

Gumawa ng paglilinaw ang IF matapos ipaalam ng Philippine Olympic Com­mit­tee sa kanila ang gina­wang pagpapatalsik kay Go bilang kasapi ng POC.

Matatandaan na idi­neklara ng POC si Go bilang persona non grata da­hilan upang hindi na ito na­kakadalo sa mga aktibidades ng POC.

Ayon kay Nicholas, wa­lang epekto sa IAAF at AAA ang ginawang ito ng POC da­hil sa mata nila ay si Go pa rin ang kanilang mi­yembro.

Kinuwestiyon ni Go ang aksyon ng POC dahil hindi siya binigyan ng due process at agad na idineklara bi­lang persona non grata.

Dumulog si Go sa kor­te at ang desisyon ay pu­ma­bor sa kanya.

Hindi ito sinunod ng POC dahil itinuturing ni­la itong isang court in­ter­vention.

Show comments