MANILA, Philippines - Kung may tao mang ayaw maitakda ang pinaplaÂnong banggaan nina Manny Pacquiao at dating world champion Canelo Alvarez, ito ay si Golden Boy PromoÂtions’ Chief Executive Officer RiÂchard Schaefer.
Isang araw matapos ihaÂyag ni Golden Boy president Oscar De La Hoya na gusto niyang muling maÂkasama sa isang boxing card si Bob Arum ng Top Rank Promotions, sinabi ni Schaefer na hindi niya ito paÂpayagang mangyari.
Sa panayam ng The Times kay De La Hoya noÂong nakaraang Martes, sinabi nitong wala na siyang sama ng loob kay Arum.
, “If anyone with Golden Boy has any differences with Bob, it’s on them,†ani De La Hoya. “I have nothing against Bob and I feel making fights with Bob is beÂneficial to the fans and the market.â€
Inamin naman ni Schaefer na siya ang taong tinutukoy ni De La Hoya.
“Well, I guess it’s on me,†ani Schaefer. “I have no inteÂrest in that.â€
Nagkaroon ng pag-uÂuÂsap sina De La Hoya at Arum para sa posibleng pagÂtatakda nila ng laban niÂÂna Pacquiao at Alvarez ngaÂÂÂyong taon.
Huling nagsama sa isang boxing promotions siÂÂna Arum at De La Hoya noÂong 2009 nang maglaban sina Pacquiao at Ricky Hatton.
Pinatumba ni Pacquiao si Hatton sa second round.
Noon pa man ay hindi na magkasundo sina Arum at Schaefer.
“I’ve given Bob several opportunities, and a leopard never changes his spots,†wika ni Schaefer kay Arum. “With Oscar, it’s sort of like, one day he hates him, the next day he loves him, the next day he rips him, then he loves him again.â€
Dahil sa banggaan ng Top Rank at Golden Boy ay hindi naplantsa ang super fight sana nina Pacquiao at Floyd Mayweather Jr.
Ngunit kung gusto ni De La Hoya na matuloy ang baÂlak niyang Pacquiao-Alvarez fight kasama si Arum ay daÂÂpat muna niyang patahimikin o sibakin si Schaefer.
Alam naman ni Schaefer na hindi siya patatalsikin sa Golden Boy.
“I’m confident of who I am and what I’ve achieved,†sabi ni Schaefer .
Sinabi ni De La Hoya na si Schaefer ay may kontrata pa sa Golden Boy hanggang 2018.
Sa naunang panayam ay sinabi ni Pacquiao na waÂla siyang pinipiling kalaban.
Maski ito man ay si Alvarez na tinalo na ni Mayweather noong nakaraang taon.
Matapos mabigo kina Timothy Bradley, Jr. at Juan Manuel Marquez noong 2012 ay dalawang sunod na panalo ang inilista ng Filipino world eight-division champion.
Binugbog niya si Brandon Rios noong Nobyembre 24 sa Macau, China at niÂresbakan si Bradley noong Abril via unanimous decision para muling isuot ang WBO welterweight title. (RC)