BAGUIO City , Philippines --Bitbit ang hinanakit mula sa pagÂkatalo sa isang malaÂking karera, hinugot ni Mark Galedo ng Team 7-Eleven ang kanyang buong lakas sa pagtahak ng akyating134-km Stage 4 Bayombong to Baguio City upang makopo ang general individual title sa pagtatapos ng 4-day Le Tour de Pilipinas dito sa Burnham Park.
Bagama’t nalusutan siya ni Ariya Phounsavath ng CNN Cycling team bilang stage winner, sapat na ang runner-up finish ni Galedo sa final lap kahaÂpon para makuha ang titulo.
Nagtala si Galedo ng tiyempong 4 hours 33.56 minuto, malayo ng 1.14 minuto sa stage winner na si Phounsavath para sa kanyang kaÂbuuang oras na 17:12 05 na umagaw ng yellow jersey kay Australian Eric Timothy Sheppard ng Continental team na TSI na nalamangan niya ng 1:03 minuto.
“Medyo nagkaroon ng pain ang legs ko sa last 15 kilometers. Pinilit ko na lang na ituloy ‘yung pacing na kaya ko. Hinayaan ko na lang si Ariya na makawala kasi malayo naman siya sa GC (general classification),†kuwento ni Galedo.
Nagsubi ang SEAG gold medalist na si Galedo ng top prize na $950, dagdag ang kanyang panalo sa Stage 3 ($810) at third place finish sa Stage 2 ($200). May bahagi rin siya sa pagkakapuwesto sa 3rd ng 7-Eleven sa general team classification.
Mayroon pa siyang $150 bilang runner-up sa King of the Mountain classification kay Phounsavath na nakalamang lang ng isang puntos, 27-26 at $150 uli sa sprint classification.
Malayo ito sa tinatayang P2 milyong napanalunan sana ni Galedo sa huling 14-stage na karerang kanyang nilahukan ngunit ang kanyang panalo ay sapat na para ibaon sa limot ang ala-ala ng kanyang pagkatalo.
“Wala na yun (pagkaÂunÂsiyami sa huling karerang nilahukan), nangyari ‘yun. Kakalimutan na lang natin at sana huwag na lang maulit uli,†ani Galedo.
Bukod sa premyo ay nakakuha ang climber na si Galedo ng 40 UCI points bukod pa sa kanyang 8 points at 2 points sa Stage 3 at Stage 2 at mayroon pa siyang parte sa 16 UCI points sa team classification sa third placer na 7-eleven.
Bago ang stage 4 ay nasa second place na ang Team 7-Eleven sa geÂneral team classification ngunit nalaglag sila sa third place dahil nahatak sila ng pagkaka-disqualify ni Baler Ravina na nakita ng Commissaire na nagpahatak sa team vehicle.