SAN ANTONIO - Bumalikwas ang San Antonio Spurs, pinangunahan ng 27 points ni Tim Duncan, para angkinin ang 90-85 panalo laban sa Dallas Mavericks sa Game One ng kanilang NBA first-round playoff series.
Iniwanan ng Mavericks ang Spurs, hangad na muling makabalik sa NBA finals sa ikalawang sunod na pagkaÂkataon matapos matalo sa Miami Heat sa nakaraang championship series, sa 71-81 sa 7:45 minuto sa fourth quarter.
Ngunit gumamit ang Spurs ng 19-4 scoring run para kunin ang tagumpay.
“We’re very fortunate,†sabi ni Duncan, humablot din ng 7 rebounds para sa Spurs.
Kumolekta si All-Star point guard Tony Parker ng 21 points, 6 assists at 4 rebounds para sa Spurs, inangkin ang kanilang ika-10 sunod na panalo sa kanilang banggaan ng Mavericks.
Marami ang nagsasabing pormalidad na lamang ang kailangan ng Spurs para makaabante sa second round.
Matapos kunin ng Spurs ang first quarter, 21-12, inaÂgaw naman ng Mavericks ang unahan sa fourth period.
Ngunit nabigo silang makapuntos sa huling pitong minuto ng laro.
Nalimitahan si Mavericks star Dirk Nowitzki sa 11 points at 8 rebounds mula sa 4-of-14 shooting.
Sa Houston, tinalo ng Portland Trail Blazers ang RoÂcÂkets, 122-120, sa overtime.
Kumamada si LaMarcus Aldridge ng 46 points -- ang Blazers franchise record para sa isang playoff game -- at 18 rebounds bago na-foul out sa overtime.
Nagdagdag si Damian Lillard ng 31 points, para sa Portland.