Road Warriors iiwas madungisan vs Oilers

Laro Ngayon

(JCSGO Gym)

12 nn Boracay Rum

vs Big Chill

2 p.m. Derulo Accelero vs NLEX

4 p.m. Cafe France vs Cebuana Lhuillier

MANILA, Philippines - Hindi malayong mai­pag­patuloy ng NLEX Road Warriors ang kanilang pa­na­nalasa sa PBA D-League Foundation Cup na magbabalik-aksyon nga­yon sa JCSGO Gym sa Cubao, Quezon City.

Ikalawang laro dakong alas-2 ng hapon matutung­hayan ang laro ng Road Warriors kontra sa Derulo Accelero Oilers at ikaanim na dikit na panalo ang mapapasakamay ng multi-titled team kung mangi­babaw sa Oilers na hindi pa nananalo matapos ang limang asignatura.

Dinurog ng NLEX ang naunang nakaharap at ang winning margin  nila ay nasa 18 puntos.

Wala pa rin ang head coach na si Boyet Fernandez pero hindi nagbago ang laro ng koponan kahit si Mon Celis ang dumidis­karte nang pataubin nila ang Café France Bakers (88-67) at Cagayan Valley Rising Suns (83-74).

Habang patok ang NLEX, masasabing dadaan sa butas ng karayom ang apat na iba pang kopo­nan na magtatagisan at puntirya ang mahalagang panalo upang mapaganda ang kinalulugarang puwes­to sa team standings.

Kakapit pa ang Cebua­na Lhuillier Gems sa ikalawang puwesto sa pagsukat sa Bakers na siyang hu­ling laro dakong alas-4 ng hapon.

Unang laro sa ganap na alas-12 ng tanghalil ay ang sukatan ng Boracay Rum Waves at Big Chill Superchargers at ang mananalo ay aangat sa 3-2 karta.

Ang Waves, Superchargers at Bakers ay ka­salo ng pahingang Blackwater Sports Elite na may 2-2 karta upang magkasalo sa ikaapat hanggang ikapitong puwesto.

Show comments