Wala nang duda na nakabangon na nga si Manny Pacquiao.
Nabawi na ni Pacquiao ang WBO welterweight chamÂpionship belt noong Linggo sa Las Vegas. Nanalo ang Filipino boxer via unanimous decision kontra sa daÂting walang talo na Timothy Bradley Jr. sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas, Nevada.
Pinaghiganti ni Pacquiao (56-5, 38 KOs) ang matagal nang pinagtatalunan na pagkatalo niya kay Bradley halos dalawang taon na ang nakakaraan.
Makaraan ang medyo mabagal na simula, ipinadama ni Pacman na handa na niyang putulin ang tabak ni Damokles at ipakita na siya ang tunay na kampeon sa larangang iyon.
At ipinakita nga niya ng may istilo.
Naiskoran ang laban sa 116-112, 116-112 at 118-110 para kay Pacquiao na itinuturing noong una na dehado sa laban. Mas matanda si Manny ng limang taon kay Tim, bukod pa sa kagagaling lamang nito sa dalawang magkasunod na talo.
Sa mga naunang balita sa pre-fight ng dalawang boksingero, ipinagyabang ni Bradley (31-1, 12 KO) na pababagsakin niya ang Filipino icon. Kasama rin sa ipinangako niya na titibagin niya ang People’s champ at pagreretiruhin na.
Sa totoo lang, pagpasok pa lamang dalawang boksingero ay tila alam na natin ang kalalabasan nito. Kung ano ang positibong aura ni Pacquiao ay siya namang tila “punebre†sa lungkot ang kay Bradley. May hula na kaya si Bradley sa resulta ng laban?
Napansin natin na ilang ulit din niyang nasaktan si Pacquiao, pero sa huli ay si Bradley ang humulagpos sa laban at tila nanghina na. Kitang kita sa kalagitnaan na tila nawalan na ng lakas si Bradley upang makasuntok at maging ang depensa nito ay naglaho sa huling apat na rounds.
Sa pagkakataong ito pumasok si Pacquaio na tila pinakawalan ang lahat ng itinatagong galit kay Bradley. Ipinamalas ni Pacquiao ang kanyang killer instinct at maging ang sinasabi ni Bradley na nawawalang “eye of the tiger†ni Pacman ay kitang kita sa laban.
Ang gitnang hati ng laban ay isang katuparan ng pangako ni Pacquiao na pagbabalik ng kanyang pagiÂging agresibo.
Si Pacquiao ang nagtapos ng laban at isinara niya ng may istilo kasabay ng pagkuha ng kanyang WBO belt bukod pa sa pagtatanggal ng lahat ng duda na nakabalik na siya sa mundo ng boksing.