MANILA, Philippines - Gumamit nga ba ng ‘mahika’ ang ina ni Manny Pacquiao na si Aling Dionisia para manalo ang Filipino world eight-division champion kay Timothy Bradley, Jr. sa rematch kahapon?
Sa isang bahagi ng laban ay may inilabas na maliit na puting papel si Aling Dionisia ng may kasamang rosaryo kasabay ng tila pag-uusal ng sumpa sa 30-anyos na si Bradley.
Ang resulta nito ay ang unanimous decision win ng 35-anyos na si Pacquiao kay Bradley para mabawi ang kanyang World Boxing Organization (WBO) welterweight crown.
Hindi naman isyu ang naturang ginawa ni Aling Dionesia sa mga American fans.
“Let’s be honest, the REAL champ in all of this is Pacquiao’s Mom,†sabi ni John Lai sa kanyang twitter account.
Ang nasabing aksyon ni Aling Dionisia ay pagpapakita ng pagmamahal ng isang ina sa kanyang anak, ayon kay Mixed Martial Arts athlete Derek Brunson.
“But for real shout out to Pacquiao’s Mom . What a caring Mom,†sabi ni Brunson.
“This fight was even until Pacquiao’s Mom pulled out that voodoo doll! This should be a no contest,†dagdag pa nito.