Huling playoff berth sa East sinilo ng Hawks

 ATLANTA--Kinopo ng  Hawks ang ikawalo at huling playoff spot sa Eastern Conference kung saan umiskor si Jeff  Teague ng 25 points para sa kanilang 98-85 panalo kontra sa defending champion na Miami Heat.

Nagdagdag si Lou Williams ng 23 points para sa Atlanta na inangkin ang huling playoff berth sa kanilang conference.

Nakapasok ang Hawks sa postseason para sa pang-pitong sunod na season.

Umiskor naman si Dwyane Wade ng 16 points sa first half points at tumapos na may 24 points mula sa kanyang 10-of-14 shooting sa panig ng Heat, nakatabla ang Indiana Pacers para sa karera sa top seed sa Eas­tern Conference.

Hindi nakita sa aksyon si Wade sa siyam na laro ng Miami bunga ng kanyang hamstring injury.

  Humakot si LeBron James ng 27 points, 8 rebounds at 5 assists sa kabiguan ng Heat.

Nagtabla ang laro sa 49-49 sa halftime at sa 51-51 bago sindihan ni DeMarre Carroll ang isang 7-1 ratsada ng Hawks para kunin ang 58-52 bentahe sa 7:26 minuto sa third quarter.

 

Show comments