Bolts may tiket na sa quarters

    Nailusot ni import Joshua Dollard ng Barako ang kanyang tira sa tangkang pagsulapal ni John Wilson ng Meralco sa PBA. (Jun Mendoza)

Laro Ngayon (Mall of Asia Arena, Pasay City)

6 p.m. San MIg Coffee vs San Miguel Beer

MANILA, Philippines -  Bumangon ang Meralco mula sa 22-point deficit sa first half para resbakan ang Barako Bull, 105-98, at sikwatin ang isang quarterfinals seat sa 2014 PBA Commissioner’s Cup kahapon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Winakasan ng Bolts ang kanilang two-game losing skid para isama sa quarterfinals ang San Mig Coffee Mixers at nagdedepensang Alaska Aces.

Matapos ibaon ng Barako Bull sa 44-22 mula sa split ni Willy Wilson sa 7:22 ng second period ay bumangon ang Meralco sa third quarter para makalapit sa 73-74 agwat sa pagtatapos nito.

Tuluyan nang naagaw ng Bolts ang kalamangan sa 81-78 matapos paka­walan ang maikling 8-3 ata­ke patungo sa 96-88 paglayo sa Energy Cola sa huling 3:45 ng final canto.

Huling nakalapit ang Barako Bull, binuksan ang laro mula sa 14-0 bentahe, sa 95-99 agwat buhat sa three-point shot ni import Josh Dollard sa natitirang 34.6 segundo.

Meralco 105 - Jackson 30, Dillinger 16, David 15, Wilson 15, Timberlake 12, Hodge 10, Hugnatan 7, Caram 0, Salvacion 0, Sena 0, Guevarra 0.

Barako Bull 98 - Dollard 33, Intal 12, Pennisi 12, Fortuna 11, Miller 9, Miranda 8, Wilson 7, Marcelo 3, Buenafe 3, Pena 0.

Quarterscores: 20-33; 42-54; 73-74; 105-98.

Show comments