Elite, Rising Suns gumawa ng upset sa D-League

MANILA, Philippines - Gumulo ang puwestuhan sa PBA D-League Foundation Cup nang  natalo ang mga dating nasa itaas na Big Chill Superchargers at Cebuana Lhuillier Gems sa mga laro kahapon sa JCSGO Gym, Cubao, Quezon City.

Gumawa ng 15 puntos ang dating Superchargers center na si Reil Cervantes at ang Blackwater Elite ay sumandal sa nagbabagang panimula upang la­yuan agad ang Superchargers tungo sa 93-75 demolisyon.

Ito ang unang pagkikita ng dalawang koponan na naglaban sa Aspirants’ Cup semifinals at kahit paano ay makabawi ang nagdedepensang kampeon Blackwater sa Big Chill na nagpatalsik sa kanila sa unang conference.

Nagkaroon pa ng kontrobersya ang laro nang tinangka ng tropa ni coach Robert Sison na mag-walkout sa 2:50 ng ikalawang yugto at abante ang Elite sa 47-25.

Bumalik din naman ang Big Chill at natapos ang laro na kung saan nakita ng koponan na natapos ang dalawang dikit na panalo.

Sinandalan ng Cagayan Valley Rising Suns ang 6-of-9 shooting sa three-point arc sa huling yugto para itakas ang 70-67 panalo sa Gems na nalaglag sa unang kabiguan matapos ang tatlong laro.

                                                                                                                                                                                                                                                      

Show comments