MANILA, Philippines - Itinakda ng Philippine girls team ang kanilang title match ng Brazil matapos talunin ang Mozambique, 1-0, sa semifinals ng 2014 Street Child World Cup sa Rio De Janeiro.
Binigo naman ng Brazil ang El Salvador, 5-0, sa isa pang semifinals game.
Nakatakda ang finals ngayon.
Nauna nang inilampaso ng Philippine team ang England, 6-0, sa quarterfinals sa likod nina Agot, Angelica, Maylene at Juvie Lynn.
Hindi inilalabas ang kumpletong pangalan ng mga plaÂyers kaugnay sa child protection policies.
Nasibak naman ang Philippine boys team ng PakisÂtan, 0-6, sa quarterfinals.