Mahigit isang linggo bago ang laban ni Manny Pacquiao at Timothy Bradley, umuugong at umuusok na ang mga boxing experts kung sino ang magtaÂtaÂgumpay sa dalawa.
Marami sa mga eksperto ang naniniwalang ito na ang katapusan ng career ni Pacquiao, mayroon din naman na nagsasabi na malaki ang posibilidad na manalo pa ang Filipino boxing star.
Sabi ng ilang eksperto, kahit pa sinasabi ni PacÂquiao at ng kanyang kampo na maganda ang konÂdisyon ni Manny, hindi pa rin sila naniniwalang maÂlulusutan nito si Bradley. Bukod sa tumatanda na si Pacquiao, iba na ang pakiramdam nito kumpara sa mga panahon na siya ay gutom pa sa panalo.
May mga nagsasabi na wala na ang “drive†ni Pacquiao para lumaban pa. Sabi nga ay “going though the motions†na lamang ang Filipino boxer.
Maaaring matagumpay at naging mahaba ang career ni Pacquiao, pero sa pagkakataong ito ay tila wala na ang “passion†ni Pacquiao sa laban.
May ilan na nagsasabi na masyadong maawain o compassionate si Pacquiao, pero ang pinaniniwalaan ko ay ang sabi ng mga boxing experts na malaki ang naging epekto ng pagkaka-knockout ni Pacquiao nang lumaban ito kay Juan Manuel Marquez.
Sa panahong iyon ay nawala ang aura ni Pacquiao bilang “invincible†na boksingero. Ang nakita natin noÂon ay isang boksingero na pagod na sa 60 na giyerang pinagdaanan. Natural lamang na apektado ang kaÂtaÂwan, isip at emosyon ni Pacquiao.
Sana ay mapasinungalingan lahat ni Pacquiao ang sinasabi ng mga eksperto, pero sabi nga, nakikita sa mga ikinikilos ni Pacquiao. Kung dati ay makikita ang agresibo sa mata ng people’s champ, ngayon ay parang pagod at pagka-umay na lamang ang naÂbaÂbanaag natin dito.
Nguni’t naniniwala pa rin ako na may pagkakataon pang makabawi si Pacquiao.
Pero sana, manalo man o matalo, isipin sana ni Pacquiao na may mga pagkakataong dapat na ipaÂhinga na ang katawan.
Ito ang panahong iyon.