Heat, Pacers maggigirian para sa liderato sa East

MIAMI--Matapos magsagupa sa playoffs noong Disyembre 18, 2013 ay muling maghaharap ang Miami Heat at ang Indiana Pacers sa kanilang pag--uunahan para sa No. 1 seed sa Eastern Conference.

“I know everybody’s trying to make the games important back in December,” ani Heat forward Chris Bosh.

Hindi pa madedetermina kung sino ang kukuha sa No. 1 berth sa Eastern Conference, ngunit ang panalo ng Indiana ang maglalapit sa kanila dito.

Parehong naipatalo ng Heat at ng Pacers ang pito sa huli nilang 12 laro.

Nangangahulugan na napakawalan ng Miami ang maraming pagkakataon para madakma ang No. 1 spot at nabigo naman ang Indiana na masikwat ang home-court advantage para sa East playoffs.

“We’re just not clicking,” wika ni Pacers center Roy Hibbert matapos matalo ang Pacers sa Chicago Bulls noong Lunes. “And we should be clicking.”

Tinalo naman ng Heat ang Portland Trail Bla­zers noong Lunes matapos ma­pabayaan ang 17-point lead sa fourth quarter.

Hindi pa ito ang huling Heat-Pacers meeting sa regular season.

Muli silang maghaharap sa Abril 11 sa Miami.

Show comments