Barako Bull niresbakan ang San Mig Coffee

MANILA, Philippines -  Bumangon ang Barako Bull mula sa isang 16-point deficit sa third period para talunin ang San Mig Coffee, 92-90, sa 2014 PBA Commissioner’s Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.

Napigilan ng Energy Co­la ang kanilang tatlong su­nod na kamalasan.

Samantala, bagamat na­nawagan ang kanilang mga fans na palitan si import Leon Rodgers, paglalaruin pa rin ng Ba­rangay Ginebra ang na­sa­bing import.

Hangad na malasap ang kanilang ikalawang su­nod na kabiguan, sasagupa­in ng Gin Kings ang Air21 Ex­press ngayong alas-8 ng gabi sa Big Dome.

Sa unang laro sa alas-5:45 ng hapon ay target ng Meralco ang ka­nilang ikalawang dikit na pa­nalo sa pagharap sa Rain or Shine.

Natikman ng Ginebra ang kanilang ikatlong kabiguan matapos yumukod sa Talk ‘N Text,  87-94, noong Linggo kung saan nabigo si­lang iligtas ni Rodgers.

Sinasabing nilapitan ng Gin Kings si Josh Powell, da­ting naglaro sa NBA para sa Los Angeles Lakers, para pa­litan si Rodgers.

Ngunit malaki ang su­weldong hinihingi ng 6-foot-9 na si Powell, naglalaro para sa Guangdong Southern Tigers sa Chi­nese Basketball Association (CBA). 

Si Powell ay miyembro ng dalawang Lakers champion teams.

Barako Bull 92 - Dollard 32, Miller 19, Intal 10, Marcelo 7, Deutchman 6, Pennisi 6, Fortuna 5, Buenafe 5, Wilson 2, Las­timosa 0, Peña 0, Mi­randa 0.

San Mig Coffee 90 - Mays 20, Devance 17, Si­mon 16, Yap 12, Barroca 10, Pingris 8, Melton 3, Sangalang 2, Reavis 2, Mal­lari 0.

Quarterscores: 18-26; 49-47; 62-78; 92-90.

Show comments