Chavez, Barrera binista si Pacquiao

(Mula sa kaliwa) Freddie Roach, Julio Cesar Chavez, Manny Pacquiao at Marco Antonio sa Wild Card Gym sa Hollywood. Chris Farina/Top Rank

MANILA, Philippines – Nagbigay ng suporta ang legendary Mexican boxers na sina Julio Cesar Chavez at Marco Antonio Barrera kay Manny Pacquiao sa pagbisita nila sa ensayo ng eight-division champion sa Wild Card Gym sa Hollywood ngayong Martes.

Si Chavez, 51, ang itinuturing na pinakamagaling na boksingero sa Mexico bitbit ang 107-6-2 na boxing win-loss-draw record na may 86 knockouts.

Anim na beses din naging kampeon si Chavez sa tatlong division kung saan siya ang kauna-unahang Mexican na makagawa nito.

Samantala, dating karibal ni Pacquiao si Barrera kung saan naging break ng career ni Saranggani representative ang pagkakapanalo niya laban sa Mexicano noong 2003.

Hindi rin umubra si Barrera sa kanilang naging rematch noong 2007.

Naghahanda si Pacquiao para sa kanilang muling paghaharap ni WBO welterweight champion Timothy Bradley sa Abril 12 sa MGM Grand sa Las Vegas.

Tangka ni Pacquiao na ibalik sa kanya ang naagaw na titulo dalawang taon na ang nakalilipas.

Show comments