MANILA, Philippines - Sinikwat ng San Miguel Beer ang kanilang pang-limang panalo makaraang patumbahin ang Globalport, 109-92, sa 2014 PBA Commissioner’s Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.
Pumukol si Arwind SanÂtos ng 18 points at 10 rebounds para sa Beermen na pinatatag ang kapit sa solo ikatlong puwesto.
Mula sa 19-8 abante sa first period ay lumayo ang Beermen sa 74-64 sa third period patungo sa pagtatayo ng 16-point lead, kontra sa Batang Pier sa 10:29 ng final canto mula sa undergoal stab ni Doug Kramer.
Mula dito ay hindi na nilingon pa ng San Miguel Beer ang Globalport, natikman ang kanilang pang-anim na sunod na kabiguan.
Samantala, tatargetin ng Mixers ang kanilang ikaapat na sunod na panalo para paÂtuloy na solohin ang paÂÂngaÂlaÂwang puwesto.
Hindi pa natatalo sa kanilang tatlong laro, sasagupain ng San Mig Coffee ang Barako Bull ngayong alas-8 ng gabi.
Ang tatlong unang koponang tinalo ng Mixers, nagkampeon sa nakaraang PBA Philippine Cup, ay ang Rain or Shine Elasto Painters, 91-74, Ginebra Gin Kings, 90-80, at ang wala pang panalong Globalport Batang Pier. 91-75.
Muling aasahan ng MiÂxers ni coach Tim Cone sina import James Mays, two-time PBA Most ValuaÂble Player James Yap, PJ Simon, Marc Pingris, Mark Barroca at Joe Devance.
Ayon kay Cone, kailaÂngang maiwasan ni Mays ang maagang pagkakalagay sa foul trouble kagaya ng nangyari sa kanilang laro laban sa Rain or Shine.
“The only danger we had all game was Big James in foul trouble,†ani Cone. “He’ll realize how important it is to stay on the floor and figure out his spots in playing aggressive and picking up fouls. He’s dominant out there because of his activity level. We don’t have to tell him to go make a move, he just does something and makes us tougher.â€
Kasalukuyan namang nasa isang three-game losing slump ang Energy Cola, ang huli ay nang yumukod sila sa San Miguel Beermen, 100-106, noong Marso 22.
Samantala, dalawang referees ang pinatawan ng suspensyon ng PBA Commissioner’s Office matapos mabigong tumawag ng foul sa fourth quarter sa laro ng San Miguel Beer at Barako Bull noong Sabado.
Ang mga ito ay sina reÂferee Jun Marabe at Rommel Gruta.