MANILA, Philippines - Ayaw na ni Filipino world eight-division champion Manny Pacquiao na ibigay sa mga judges ang resulta para sa kanilang rematch ni world welterweight titlist Timothy Bradley, Jr. kagaya nang nangyari noÂong Hunyo 9, 2012.
Kaya naman ang direktiba ni chief trainer Freddie Roach kay Pacquiao ay sumilip palagi ng pagkakataon para mapabagsak si Bradley sa kanilang mu-ling paghaharap sa Abril 12 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.
“The thing is you can’t look for knockouts and we know that, that’s not how knockouts come,†wika ni Roach sa panayam ng On The Ropes Boxing Radio. “We are prepared to go out there and fight three minutes of every round and fight with combinations like he did against Rios and be a lot busier than he has been in the past.â€
Sa kanyang unang laban noong Nobyembre 24 ng nakaraang taon ay binugbog ni Pacquiao si Brandon ‘Bam Bam’ Rios sa loob ng 12 rounds sa kanilang non-title, welterweight fight sa Macau, China.
Ayon kay Roach, kulang pa ang ginawa ni Pacquiao kay Rios.
At kung gusto nitong manalo at mabawi kay Bradley ang kanyang World Boxing Organization (WBO) welterweight crown ay dapat itong mas maging agresibo sa kabuuan ng laban.
Matapos agawin kay Pacquiao ang suot nitong WBO belt ay naidepensa naman ito ni Bradley laban kay Ruslan Provodnikov noong Marso ng 2013.
Sinabi ni Roach na masÂyadong nagulpi si Bradley sa kanyang laban kay Provodnikov, naging sparmate ni Pacquiao at ngayon ay ang bagong WBO light welterÂweight king.