MANILA, Philippines - Sa Los Angeles, nagtrabaho nang husto si Jordan Hill sa depensa at opensa laban sa Orlando Magic para ipanalo ang nakalugmok na Lakers.
Nagposte si Hill ng career-high 28 puntos bukod pa sa kanyang 13 rebounds para pangunahan ang Lakers sa 103-94 panalo laban sa Magic.
Nalasap ng Orlando ang kanilang-pang siyam na sunod na kamalasan.
Umiskor naman si Nick Young ng 26 puntos mula sa bench upang pigilan ang four-game losing skid ng Los Angeles.
Tumipa si center Pau Gasol ng 6 puntos sa loob ng 18 minuto at hindi na pinaglaro sa second half makaraang makaramdam ng pagsusuka at pagkahilo.
Hindi rin naglaro si guard Steve Nash, naglista ng 11 assists sa loob ng 19 minuto buhat sa bench laban sa Washington noong Biyernes matapos ipahinga ang 15 laro dahil sa chronic nerve damage sa kanyang likod.
Nalimita ang two-time MVP sa 11 laro ngayong season bunga ng kanyang kondisyon. Hangad ng LaÂkers (23-46) na maiwasang makatabla sa record ng 1974-75 squad para sa pinakamasamang kampanÂya matapos lumipat ang prangkisa sa Los Angeles mula sa Minneapolis noong 1960-61.
Sa New York, tumipa si Jarrett Jack ng season-high 31 puntos para igiya ang Cleveland Cavaliers sa 106-100 panalo kontra sa Knicks.
Winakasan ng Cavaliers ang eight-game winning streak ng Knicks.
Hindi napigilan ng Knicks si Jack at hindi rin sila makakuha ng proÂduksyon kay Carmelo Anthony, naimintis ang lima niyang tira sa final period at tumapos na may 32 points.
Sa iba pang resulta, ginapi ng Toronto Raptors ang Atlanta Hawks, 96-86; naungusan ng Phoenix Suns ang Minnesota Timberwolves, 127-120; nalusutan ng Denver Nuggets ang Washington Wizards, 105-102; natakasan ng Brooklyn Nets ang Dallas Mavericks sa overtime, 107-104 at pinayuko ng Sacramento Kings ang Milwaukee Bucks, 124-107.