MIAMI--Ipinagpatuloy ni Ray Allen ang kanyang mahusay na outside shooting at tinulungan ang Heat na maiwasan ang isa na namang kabiguan sa kanilang balwarte.
Umiskor si Allen ng 18 points para igiya ang Heat sa 91-86 panalo laban sa Memphis Grizzles.
Naglilista si Allen ng average na 18 points per game sa huling limang laro ng Miami’.
“t’s really just team orienÂted,’’ sabi ni Allen.
Bumalikwas ang MiaÂmi mula sa 77-84 pagkakaiwan sa 4:08 at umiskor ng 11-0 ratsada.
Ang tres ni Allen ang nagpasimula ng pagbaÂngon ng Heat sa huling 3:27 minuto.
Tumipa si Dwyane Wade ng isang jumper at nagsalpak ng dalawang free throws sa nalalabing 1:04 minuto na tuluyan nang nagbigay ng kalamangan sa Heat.
Matapos imintis ni Mike Miller ang kanyang 3-point attempt sa huling 51 segundo para sa Grizzlies ay tumipa si LeBron James ng jumper sa huling 24 segundo para sa 88-84 abante ng Heat.
Sa Sacramento, isinalpak ni Marco Belinelli ang 13 mula sa kanyang 17 puntos sa final quarter, nagdagdag si Kawhi LeoÂnard ng 15 puntos at pitong rebounds at kinuha ng NBA-leading San Antonio ang 99-79 panalo sa Kings at dumiretso ang Spurs sa ika-12 sunod na ratsada.
Nagdagdag si Manu Ginobili ng 14 puntos at 11 kay Tiago Splitter bukod pa ang 11 rebounds para sa Spurs (52-16) na nananatiling angat ng 1 1/2 games sa Oklahoma City at Indiana para sa league’s best record.