Smart tinalo ang Globe para sa titulo ng TNG football tourney

Nasa larawan ang Smart XI na tinanghal na kampeon sa TNG football tournament nang igupo ang Globe Telecom, Inc kamakailan lang.

MANILA, Philippines - Ang rivalry ng Smart Communications, Inc. at Globe Telecom, Inc. ay umabot na rin sa football field nang magtagisan ang dalawang wireless service providers sa kampeonato ng TNG Football Tournament.

Lumabas ang galing ng mga manlalaro ng Smart Football Club matapos ta­lunin ang katunggali sa 8-2 iskor na pinaglabanan sa Turf field sa Bonifacio Globan City.

Nakuha rin ng kopo­nang pag-aari ni sports patron/businessman Manny V. Pangilinan ang individual awards sa best goalkeeper, midfielder at defender.

Ang TNG Football Tournament ay inorganisa ng The Net Group Philippines at ang iba pang sumali ay ang Procter & Gamble, JPMorgan Chase & Co., Baker & McKenzie GSM at Deutsche Knowledge Services.

Nanguna sa Smart Foot­ball Club si team captain Johann Rabago na isang compliance, solutions at services supervisor.

Ang iba pang kasapi ay sina James Bernas, pinuno ng corporate wireless at infinity sales department at Patrick Belicena, pinuno ng engineering department sa wireless network.

Show comments