MANILA, Philippines - Ang mga pangunahing collegiate teams at tatlong provincial squads ang matutunghayan sa paghataw ng Shakey’s V-League First Conference na magsisimula sa Marso 23 sa The Arena sa San Juan.
Sa 10-taong kasaysaÂyan ng liga na inilunÂsad noong 2004 na nagpakinang sa bituin ng mga college students ay ngayon lamang nagkaroon ng record na bilang ng mga koponan na inaasahan ng nag-oorganisang Sports Vision na mag-aagawan para sa koronang suot ng National University.
Ang Lady Bulldogs ang babandera sa Group B sa two-division format kung saan ang mga mangungunang tropa ang aabante sa quarterround matapos ang single round elims.
Ang walong koponan ay muling hahatiin sa dalawa para sa isa na namang single round phase.
Ang dalawang koponan sa bawat grupo ay maghaharap sa crossover semis na isang best-of-three series na magdedetermina sa maglalaban para sa best-of-three championship duel.
“This is going to be an interesting season. With so many teams wanting to join the league, we could only accommodate much to ensure a level playing field and equal exposure,†sabi ni Sports Vision president Ricky Palou.
Ang NU, pamumunuan ng mag-utol na Dindin at Jaja Santiago katuwang si Myla Pablo, ay sasamahan ng dating kampeong University of Santo Tomas, Far Eastern University at mga NCAA teams na San Sebastian College at Perpetual Help bukod pa sa Lady Agilas ng Davao.
Makaka-grupo naman ng Ateneo, nagmula sa pagÂrereyna sa katatapos lamang na UAAP seaÂson, sa Group A ang Adamson, Arellano University, St. Benilde at mga provincial teams na Southwestern University ng Cebu at St. Louis University ng Baguio City.
Ang Lady Bulldogs at Lady Eagles ang tumatayong mga paboritong manguna sa kani-kanilang mga grupo sa torneong itinataguyod ng Shakey’s.