CLEVELAND--Humugot si LeBron James ng 25 sa kanyang 43 points sa first quarter, at umiskor si Chris Bosh ng 21 para sa 100-96 panalo ng Miami Heat kontra sa Cavaliers.
Naglaro ang Cavaliers na wala si injured All-Star guard Kyrie Irving.
Nagdagdag din si JaÂmes ng dalawang mahalagang blocks at tumipa ng anim na free throws sa huÂling dalawang minuto ng fourth period para sa ikatÂlong panalo ng Heat sa kanilang huling walong laro.
Hindi naglaro si Dwyane Wade para ipahinga ang kanyang mga tuhod.
Naglista naman si Jarrett Jack ng 22 points kasunod ang 17 ni Dion Waiters na nagtala ng 11 assists para sa Cleveland, naglaro rin na wala si forward Luol Deng (sprained ankle).
Hindi makikita sa aksyon si Irving sa loob ng dalaÂwang linggo dahil sa kanyang strained biceps tendon.
Sa Atlanta, umiskor si Jeff Teague ng career best na 34 points at itinala ni Paul Millsap ang kanyang unang triple-double at dumiretso ang Hawks sa kanilang pang-limang sunod na panalo matapos talunin ang Toronto Raptors sa overtime, 118-113.
Humakot si Millsap ng 19 points, 13 rebounds at 10 assists para sa Hawks na pinalakas ang kanilang tsansa sa isang playoff spot sa East.
Bumangon ang Hawks mula sa 13-point deficit hanggang imintis ni Millsap ang kanyang tirada sa pagtatapos ng regulation.
Sa Portland, tumipa si Wesley Matthews ng 26 points, kasama rito ang maÂhalagang 3-pointer sa overtime, para igiya ang Trail Blazers sa 120-115 panalo laban sa Milwaukee Bucks.
Nag-ambag si Robin Lopez ng 15 points at 14 rebounds para sa Blazers (44-24) na naglaro na wala si injured forward LaMarcus Aldridge.