Wushu summer classes sa Mar. 21

MANILA, Philippines - Pagkakataong matuto ng wushu sa ilalim ng mga mahuhusay na wushu artists ng bansa ang mararanasan ng mga batang sasali sa Wushu Federation Philippines summer classes mula Marso 21.

Si Rosales ay naging world champion noong 1997 sa Rome, Italy ang mangunguna sa mga magtuturo sa summer classes na tutukoy sa taolo (form) at sanda (sparring).

Makakasama ni Rosales, isang international taolo judge at national assistant head coach, sina Asian at SEA Games multi-medal winner Bobby Co at Pedro Quina.

Ang resigtration fee ay P3000 isang buwan at ang mga interesado ay maaaring makipag-ugnayan kay Jon­nahlee Benitez (02 25461444, 0925 5070585 at 0921 5938221).

Show comments