MANILA, Philippines - May 14 koponan ang maglalaban-laban para sa PSC Commissioner’s Cup Baseball Tournament na magpapaluan sa Marso 22 sa Rizal Memorial Diamond.
Ang mga kasaling koponan ay hinati sa dalawang pangkat at ang nasa Group A ay kinabibilanganan ng PSC Chairman’s Cup champion Philab, back-to-back UAAP titlist Ateneo, UP, Philippine Navy, Rizal Technological University, Batangas State University at Dragons.
Nasa Group B naman ang Philippine Air Force, La Salle, Adamson, National University, UST, ILLAM at Throwbacks.
Para mas mabigyan ng exposures ang mga kasali kaya’t binago ang format ng kompetisyon. Sa halip na double elimination tulad ng ginawa sa Chairman’s Cup ay single round robin ang mangyayari sa bawat grupo at ang mangunguÂnang tig-dalawang koponan ang aabante sa cross-over seÂmifinals.
Knockout game ang seÂmifinals at ang manaÂnalo ang magtutuos sa one-game Finals na itinakda sa Abril 12.
Tatlong laro ang gagawin bawat playdate at ang opening games sa Marso 22 ay Ateneo at Dragons sa ganap na alas-7 ng hapon at susundan ito ng tagisan ng UP at RTU at Philippine Navy at Philab.
Kinabukasan ay magtutuos ang Air Force at La Salle, Adamson at ILLAM at NU vs Throwbacks sa Group B.