MANILA, Philippines - Kumpiyansa ang mga nasa likod ng 2014 Basketball Marathon na malalampasan ng mga Pinoy ang GuinÂness record sa pagkakaroon ng 112 oras at 13 seÂgundong paglalaro na nagawa ng United States.
“I’m confident to say we’ll beat that (record) barring any technical hitches,†sabi ni Jacque Ruby, ang Chief OpeÂrating Officer (COO) ng nag-oorganisang Access DisÂcovery Channel , kahapon sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum sa Shakey’s Malate.
Pipilitin ni Larry ‘Doc’ Macapanpan, isa sa 24 players na bubuo sa dalawang koponan, na masira ang record sa Meralco gym simula sa Marso 24.
Walang timeouts at halftime break habang naglalaro, nguÂnit ang fouls sa players ang magbabalik sa laro sa zeÂro tuwing matatapos ang dalawang oras.