Dominasyon ng Altas Perps Squad ‘di napigil

Nagdiwang ang Perpetual Altas Perps Squad matapos kunin ang ika-8 titulo sa Cheering Competition sa NCAA. (Joey Mendoza)

MANILA, Philippines - Sa ikalimang sunod na taon ay kinilala ang hu­say ng Perpetual Help sa NCAA Cheering Compe­tition.

Pinahanga uli ng Altas Perps Squad ang mga hu­­rado at mga nanood sa kompetisyon kahapon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City sa ipinakitang routine para kunin din ang ikawalong titulo sa 10 edis­yon ng kompetisyon.

Nakalikom ang Perpe­tual Help ng 480.5 puntos na bagamat mas mababa ang iskor kumpara noong nakaraang taon na 598.5 puntos, ay sapat naman para talunin uli ang Arellano na nakontento sa 468 puntos.

Ang Mapua na siyang kauna-unahang kampeon ng cheerleading noong 2003 ang nalagay sa ikatlong puwesto bitbit ang 450.5 puntos bago sumunod ang Lyceum sa 440.5, Jose Rizal University sa 426, Emilio Aguinaldo College sa 420.5, St. Benilde sa 415.5, Letran sa 384.5, San Beda sa 329.5 at San Sebastian sa 278 puntos.

Tatlong paaralan lamang ang nagdomina sa nasabing torneo at ang isa ay ang Jose Rizal noong 2008-09 season.

 

Show comments