Huwag naman sana uli.
Ito ang karamihan sa dalangin ng mga nakausap nating panatiko ng boksing nang ibalita na malaki ang posibilidad na magharap muli sina Mexican boxer Juan Manuel Marquez at Manny Pacquiao.
Pero may nakausap din naman tayo na ang sigaw ay “sana maulit muli?â€
Bagama’t may mangilan-ngilan na nais na matuloy ang laban, para sa karamihan super sa over na ang Pacquiao-Marquez. Puwede na sanang mag-move on ang dalawang boksingero.
Nais kasi ni Marquez na makalaban sino man ang mananalo kina Pacquiao at Timothy Bradley upang makuha ang WBO welterweight crown. At handa itong gawin ni Marquez kahit pa harapin niya si Pacquiao sa ikalimang pagkakataon.
Katunayan nga, batay sa ating mga narinig, may mga usap-usapan na ang dalawang kampo na para bang sigurado na si Pacquiao ang mananalo sa laban nila ni Bradley na magaganap sa susunod na buwan.
Gusto ni Marquez na gumawa ng kasaysayan. Nais niyang makuha ang ikalimang titulo sa limang diÂbisyon. Pagkatapos nito, ayon pa rin sa mga nakakaÂlap natin sa mga balita sa boxing blogs, magreretiro na si Marquez.
Kung haharapin ni Marquez si Pacquiao, parang kinain na rin niya ang kanyang salita na kahit kailan ay hindi na niya lalabanan pa si Pacquiao na kanyang tinalo sa ikaapat nilang paghaharap. Noong Disyembre 2012 ay natalo ni Marquez si Pacquiao via knockout.
Pero dahil sa pagnanais ni Juan Ma na maging unang Mexicano na magkamit ng limang titulo sa limang magkakaibang weight classes, kakainin at lulunukin niya ang kanyang nga sinabi kay Pacquiao noong 2012.
Pero may mga dapat ding isipin si Marquez, at para sa akin mas gusto ko ang senaryong ito, kung manaÂnalo si Pacquiao kinakailangan niyang maghintay dahil awtomatikong may rematch si Bradley sa Filipino boxer.
Kayo, ano ang gusto ninyong senaryo?