MANILA, Philippines - Magkakaroon ba ng 12 koponan para sa susunod na season ng Philippine Basketball Association (PBA)?
Ang naturang katanuÂngan ay inaasahang masasagot ngayong araw sa pagtalakay sa aplikasyon ng dalawang kompanya sa pulong ng PBA Board of Governors.
Ang dalawang nais makakuha ng prangkisa sa PBA para sa susunod na season ay ang Ever Bilena Cosmetics at ang Columbian Autocar Corp.
Ang Colombian, isang Korean carmaker, ang naunang nagsumite ng letter of intent sa PBA Board of Governors kasunod ang Ever Bilena nina chairman at chief executive officer Dioceldo Sy at chief operaÂting officer Silliman Sy.
Handa ang Ever Bilena na magpaluwal ng P100 milÂyon para makakuha ng prangkisa sa professional league.
Kung maaaprubahan ang kanilang aplikasyon ay gagamitin ng Ever Bilena ang Blackwater brand na kanilang ibinabandera sa kasalukuyan sa PBA D-League.
Gagamitin naman ng CoÂlombian ang Kia brand kung aprubahan ang kaÂnilang pagpasok sa liga.
Bukod sa Ever Bilena at Columbian, naghihintay din ng pagkakataon ang Hapee Toothpaste, dati nang nagÂlalaro sa PBL, at ang NLEX na palagiang naghahari sa PBA D-League. (RC)