MANILA, Philippines - Maiiwan na lamang kay Vicky Deldio ang hangarin ng Pilipinas na makapagpadala ng kinatawan sa kababaihan sa triathlon sa Youth Olympic Games sa Nanjing, China mula Agosto 16 hanggang 28.
Magkakaroon ng Asian qualifier para sa YOG sa Hunyo sa Kazakhstan at naunang ninombra sina Deldio at Magali Echauz para kumatawan sa bansa.
Si Echauz ang number one sa kababaihan sa kanyang dibisyon ngunit kinailangan na niyang tumigil sa paglalaro sa endurance sport na ito.
“Nadiskubre na mayroon siyang problema sa puso at nagbigay ng advice ang mga doctor na tumitingin sa kanya na tumigil na siya sa paglalaro. NakakapanghinaÂyang pero hindi natin puwedeng isakripisyo ang kanyang kalusugan kaya nawala na siya sa national team,†wika ni Triathlon Association of the Philippines (TRAP) president Tom Carrasco Jr.
Sinikap ng TRAP na maghanap ng makakapalit ni Echauz pero underage ang ibang manlalaro upang maiwan na lamang sa tubong Olongapo City na si Deldio ang laban ng bansa.
Sina Jimuel Patillan ng Olongapo City at Justin Chiongbian ng Cebu City ang siyang magtatangka na makapasok sa YOG sa kalalakihan.
Para mapaghandaan ang Asian qualifier, ang tatlong triathletes na ito ay sasailalim, sa 35-day training sa ITU Development U23 at Junior Camp sa Lisbon, Portugal.
Si ITU high performance coach Sergio Santos ang mangangasiwa sa Camp at ang tatlong national players ay balak papuntahin dito sa Abril.
Tatlong ginto ang nakataya sa YOG Triathlon at ito ay sa individual male at female at mixed relay.