MAASIN, Leyte--NagÂpakita ng lakas ang mga Cebuano boxers matapos umabante sa semifinal round ng 2014 PLDT-ABAP Visayas Area Boxing Tournament dito sa Maasin City gym.
Nagtala ng mga panalo sina junior boys pinweight (46kgs) Rimon Rama at Youth boys lightweight (60kgs) Vicente Casido ng ALA Gym at si Marvin Pomar ng Cebu City sa jr. boys pinweight division.
Nirapido ni Rama si Jerry Mae Pandac ng Leyte Sports Academy, 3-0, at binugbog ni Casidosi local bet Javier Alemar ng Maasin City Team A, 3-0, patungo sa semifinal round.
Isang 3-0 panalo rin ang kinuha ni Pomar kontra kay Mateo Maquiling ng SouÂthern Leyte para umabante sa semifinals.
Tinalo naman ni Maasin City Team B pride Shaquel Miole si Raymart Alara ng Bago City, 3-0, sa jr. boys pinweight division papasok sa semis.
Maghaharap sina Rama at Pomar para sa gold medal round, habang lalabanan ni Miole si Romie Evale ng Maasin City Team A.
Awtomatikong nakapasok si Evale sa quarterfinals noong Biyernes matapos magkaroon ng bye.
Naglista naman ng pinakamabilis na panalo si Leo Domingo Napuli ng Maasin City Team B na pasukuin si Edu Kuizon of Southern Leyte Team B bago matapos ang first round.