JRU delikado sa Baste

MANILA, Philippines - Nagparamdam ang San Sebastian sa kanilang pagnanais na mapatalsik ang nagdedepensang kampeon Jose Rizal Univer­sity sa NCAA Track and Field competition na nagbukas kahapon sa La Salle Dasmariñas.

Ito ay matapos paghatian ng Stags at Heavy Bombers ang unang dalawang events na pinaglabanan kahapon.

Si Rolando Uberas ang siyang kumuha ng unang ginto ng Baste sa lara­ngan ng pole vault nang maihagis ang aparato sa 3.70 meters.

Ang Heavy Bombers ay sumandal sa husay ni Domingo Cabradilla na dinomina ang men’s long jump sa 6.89-metro lundag.

Napantayan ni Patrick Faderogao ng Perpetual Help ang lundag ni Cabra­dilla ngunit nalagay lamang siya sa pangalawang puwesto dahil sa wind velo­city.

Ang San Sebastian ay nagpaparamdam din sa juniors division matapos ma­nalo ng ginto si John Resty Lorenzo sa boys long jump.

Nakisalo sa liderato ang Emilio Aguinaldo College nang mangibabaw si Kenneth Paul Rafanan sa discus throw.

 

Show comments