Nadal vs Dolgopolov sa Finals sa Rio Open

RIO DE JANEIRO--Sasagupain ni top-ranked Rafael Nadal si Alexander Dolgopolov ng Ukraine sa finals ng Rio Open.

Ito ay matapos talunin ni Nadal ang kapwa Spaniard na si Pablo Andujar, 2-6, 6-3, 7-6 (10), sa kanilang semifinals match.

Ginulat naman ni Dolgopolov si second-seeded David Ferrer, 6-4, 6-4, para makapasok sa final round laban kay Nadal.

Halos hindi matalo si Nadal sa clay court.

Ang kanyang huling kabiguan sa surface ay 10 buwan na ang nakararaan kontra kay Novak Djokovic sa Monte Carlo Masters.

Ang kanyang record sa clay court ngayon ay 297-21 para sa kanyang career.

Magaang namang ti­nalo ni Dolgopolov, isang beses lamang tinalo si Ferrer sa pitong ulit nilang pagkikita.

Ito ang unang ATP World Tour finals ng Ukrai­nian  netter matapos noong Oktubre ng 2012.

 

Show comments