Nadal may tiket na sa semis sa Rio Open

RIO DE JANEIRO--Umabante si top-seed Rafael Nadal sa semifinals ng Rio Open matapos talunin si Joao Sousa ng Portugal 6-1, 6-0.

Ipinakita ng No. 1-ranked na si Nadal, nasa kanyang unang torneo matapos matalo sa Australian Open final, ang kanyang pinakamagandang laro sa Brazil at nakatakdang labanan ang kapwa niya Spaniard na si Pablo Andujar sa semifinals.

Binigo ni Andujar si Tommy Robredo ng Spain, 6-1, 6-1

Sa isa pang semifinal match, lalabanan ni se­cond-see­ded David Ferrer si unseeded Alexandr Dolgopolov.

Pinayukod ni Ferrer si Thomaz Bellucci ng Brazil, 4-6, 6-3, 6-3, at pinatalsik ni Dolgopolov ng Ukraine si third-seeded Fabio Fognini, 6-1, 6-1.

Paborito si Ferrer na makapasok sa finals laban kay Nadal na may 61 titles, kasama rito ang 13 Grand Slams.

Sumakit ang likod ni Nadal sa kanyang warm up para sa finals sa Melbourne na nagresulta sa kanyang kabiguan kay Stanislas Wawrinka.

 

Show comments