60 players lalahok sa tryouts para sa Seaoil NBTC HS All-Star Game

MANILA, Philippines - Mahigit na 60 high school players mula sa iba’t ibang lugar sa bansa ang inimbitahan para sumali sa tryouts para sa 2014 Seaoil NBTC HS All-Star Game na gagawin sa Marso 9 sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Ang tryouts ay gagawin sa Pebrero 15 at 16 sa San Beda gym sa Mendiola at ang mga imbitado ay mga graduating students na at kanilang ipakikita ang angking galing sa hanga­ring makuha ng mga UAAP at NCAA teams para sa susunod na season.

Ang naturang tryouts ay pangungunahan ng mga manlalaro mula sa National Capital Region.

Ang All-Stars ang tampok na aktibidades sa 2014 Seaoil NBTC League National High School Finals mula Marso 6 hanggang 9 na siya ring opisyal na grassroots program ng Samahang Basketbol ng Pilipinas.

Handog ng Seaoil, ang torneo ay may ayuda rin ng Sports Foundation, Meralco, Smart, NLEX, Maynilad, Philex at Molten.

Show comments