Rockets pinapak ang Wolves

MINNEAPOLIS -- Humakot si Dwight Howard ng 18 points at 15 rebounds, at ginamit ng Houston Rockets ang isang ratsada sa fourth quarter para talunin ang Min­nesota Timberwolves, 107-89.

Ito ang ikaanim na sunod na panalo ng Rockets.

Umiskor naman si Chandler Parsons ng 20 points ka­sunod ang 19 ni James Harden para sa Houston na nai­panalo ang si­yam sa kanilang huling 11 asignatura.

Nag­balik na­man si Ke­vin Love mula sa injury para banderahan ang Min­nesota sa kanyang 31 points at 10 rebounds.

Sa Oakland, tumipa si Marreese Speights ng ca­reer-high na 32 points para igiya ang Golden State Warriors sa 123-80 paggiba sa Philadelphia 76ers.

Matapos makatikim ng 78-123 pagkatalo sa Los An­­geles Clippers noong Linggo ay hindi rin nakabangon ang Phi­ladelphia laban sa Golden State nang tambakan sa third period.

Nagdagdag si guard Ste­phen Curry ng 23 points pa­ra sa Warriors.

Show comments