3 malalaking event sa tennis kasado na

MANILA, Philippines - Kung hindi mauudlot ay tatlong malalaking international tournaments sa tennis ang matutunghayan ng mga mahihilig sa buwan ng Marso at Abril.

Tampok na torneo ay ang $15,000 Futures na itataguyod ng Philippine Tennis Association (Philta) mula Marso 24 hanggang 30 sa Rizal Memorial Tennis Center.

“The Philta board has decided to put up a pro tournament, the $15,000.00 Futures, to help bring Philippines back to the map,” wika ni Philta chairman Jean Henri Lhuillier.

Inaasahang mga mahuhusay na tenista sa rehiyon ang tutungo para sa kompetisyon para maipa­kita ang kalidad laban sa mga locals na lulusot sa qualifying round.

Bukod sa Futures ay isasagawa rin ang Mitsubishi Lancer International Juniors Tennis Championships habang ang se­cond round ng Davis Cup ay maaari ring gawin sa bansa.

Ang mananalo sa pagitan ng Vietnam at Pakistan ang makakatuos ng Philippine Davis Cuppers sa second round.

Sina Fil-Am Ruben Gonzales at Treat Huey ang nangunguna sa laban ng Pilipinas sa Davis Cup na ang layunin ay makarating sa Group I sa  2015. (AT)

Show comments