Blake humataw sa Lakers; James ibinandera ang Heat

  Nagpipilit lumabas si Ryan Kelly ng Lakers sa depensa ni Earl Clark ng Cleveland sa second quarter ng kanilang laban sa NBA.

CLEVELAND-Gumawa ng triple-double si Steve Blake sa kanyang pa­nga­lawang laro matapos mapahinga dahil sa elbow injury para kunin ng Los Angeles Lakers ang 119-108 panalo sa Cleveland Cavaliers noong  Miyerkules.

Nagtala ng 15 assists si Blake bukod pa sa 11 puntos at 10 rebounds habang si Ryan Kelly ay may career-high na 26 puntos at ang puno ng injury na Lakers ay nanalo upang putulin ang seven-game losing streak.

Nakatulong pa ang 21 puntos, kasama ang limang tres, na galing din kay  Jordan Farmer habang si Wes­ley Johnson ay may 20 puntos at 9 rebounds para sa bisitang koponan na naglaro gamit ang walong manlalaro lamang.

Sa Los Angeles, tuma­pos si LeBron James tag­lay ang 31 puntos, 12 assists at walong rebounds habang may krusyal na three-poin­ters si Ray Allen para bigyan ang Miami Heat ng 116-112 road win laban sa Clippers.

Ito ang unang panalo matapos ang limang sunod na kabiguan ng Heat sa ta­hanan ng Clippers at si  Allen na tumapos taglay ang 15 puntos mula sa bench, ay nakakumpleto ng four-point play habang ang ikalawang tres sa huling yugto ang nagtiyak ng panalo sa 112-107 kalamangan sa huling 42.4 segundo.

May 14 puntos at wa­long assists pa si Dwya­ne Wade sa kanyang ika-700th regular season game at ang Heat na talunan sa road ng Clippers sa 10 sa huling 12 pagkikita, ay nanalo sa Staples Center sa unang pagkakataon mula noong Disyembre 9, 2007.

 

Show comments